Friday, March 27, 2026

Sa harap ng food price shock —mga magsasaka, nanawagan ng makabuluhang ayuda at interbensyon ng gobyerno

Nagsagawa ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo ng mga magsasaka sa harap ng tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Agriculture (DA).

Nakukulangan ang grupo ng mga magsasaka sa ipinatutupad na hakbang ng gobyerno sa gitna ng krisis sa langis.

Ang halos mag-iisang buwang giyera ng US sa Iran ay nagpapatindi sa global economic crisis, dahilan upang sumirit ang fuel costs at basic commodity prices.

Ang pagmahal ng fertilizer inputs, farm inputs at pagtaas ng gastusin sa logistics ay may direka nang epekto sa produksyon ng pagkain.

Ayon kay Dwight Galang, Secretary general ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), dahil sa taas presyo sa langis, hirap na umano ang mga magsasaka na patubigan ang kanilang irigasyon.

Hirap na umano silang paandarin ang kanilang mga traktora at grass cutters na nakaasa sa langis.

Giit ng grupo, hindi sapat ang pagpapatupad ng gobyerno ng price cap sa imported na bigas kundi dapat nang magpatupad ng interbesyon at mas makabuluhang ayuda.

Facebook Comments