Nananatiling matatag ang inflation rate ng bansa sa kabila ng mga isyu sa suplay ng pagkain bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Department of Finance (DOF) Usec. at Chief Economist Gil Beltran, mas madaling mapanatili ang stimulate growth ng bansa, sa pagkakaroon ng mababa at hindi pabago-bagong inflation rate.
Malaki rin ang naging epekto sa ekonomiya ng pagtaas ng transportation cost, maging presyo ng sigarilyo at nakakalasing na inumin.
Una nang naglaro sa 2.1% ang inflation rate nitong Mayo habang naitala naman ang 2.5% nitong Hunyo, mas mababa ng 2.7% kumpara noong nakaraang taon.
Facebook Comments