Sa kabila ng pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas, pagkumpleto sa 36 Ports Projects tuloy pa rin ayon sa DOTr

Tuloy pa rin ang pag-aayos ng Department of Transportation (DOTr) para makumpleto ang 36 Port Projects sa bansa sa kabila ng epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon sa DOTr, target nilang tapusin hanggang Hunyo ang unang sinimulang labing-apat (14) na proyekto habang sa katapusan naman ng taon ang dalawampu’t dalawang (22) iba pa.

Gagamitin ang mga nasabing daungan sa mabilis na pagbiyahe ng essential goods sa labas at loob ng bansa.


Ilan sa mga proyektong nakumpleto na ay ang Port of Borac, Port of San Fernando, Port of Cawit sa Boac, Marinduque, Port of Estancia sa Iloilo, Port of Iligan sa Iligan City, Lanao Del Norte, Port of Jagna sa Bohol at iba pa.

Facebook Comments