Sa kabila ng posibleng suspensiyon, paghahanda sa BARMM 2022 election tuloy pa rin

Pinaghahandaan pa rin ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa 2022 sa kabila ng diskusyon sa Kongreso na suspindehin ito.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, bagama’t nagpapatuloy ang pag-uusap sa suspensiyon ng BARMM elections, may ilang usapin pa rin ang kailangang ikonsidera.

Kabilang dito ang paggamit ng Bangsamoro Electoral Code at maging ang pagtupad ng mga distrito sa Bangsamoro.


Matatandaang sa diskusyong nagaganap sa Kongreso, sinabi ni Senator Francis Tolentino na siyang sponsor ng Senate Bill 2214, na ang COVID-19 pandemic ang nangungunang dahilan upang matapos ang mga prayoridad na programa at proyekto ng Bangsamoro Transition Authority (BTA).

Ang pagpapalawig ng transition period ng BARMM ay suportado ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr., kung saan ipinauubaya na ng Malakanyang ang desisyon sa Kongreso.

Facebook Comments