Manila, Philippines – Hindi natitinag si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang balak maibaba ang edad ng mga maaaring patawan ng criminal liability.
Ito ay sa kabila ng pinakabagong survey ng Pulse Asia kung saan lumalabas na 55 percent ng mga respondents ang nagsabing pabor silang manatili ang minimum age of criminal liability na 15.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella – ang pagbaba sa edad ng mga nagkakasalang dapat kasuhan ay bahagi ng legislative agenda ni Pangulong Duterte para turuan ang mga kabataang umako ng responsibilidad sa kanilang nagawa.
Layunin aniya din nitong maprotektahan ang mga kabataan mula sa mga sindikatong gagamit sa kanila sa gawaing kriminal.
Naniniwala si Abella na ang resulta ng survey ay bunsod ng kakulangan ng pang-unawa ng taongbayan sa paninindigan ni Pangulong Duterte sa isyu.
DZXL558