SA REGION 1: DALAWANG MILYONG INDIBIDWAL HINDI PA NABABAKUNAHAN KONTRA COVID-19

Sa kabila ng mga polisiyang inilalabas na no vaccine no entry nasa mahigit dalawang milyong indibidwal sa Region 1 ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang bakuna kontra COVID-19.

Sa datos ng Region 1 sa COVID-19 vaccination rollout ng kanilang ahensya nasa 61.5 % pa lamang ang mga indibidwal na nabakunahan na sa buong rehiyon.

Nasa higit tatlong milyong indibidwal ang nakatanggap ng kanilang first dose, dalwang milyong mahigit naman sa 2nd dose at nasa halos isang daang libo na ang nakatanggap ng booster shot.

Ilan sa mga dahilan ng hindi pa pagbabakuna ay takot sa karayom, takot sa bakuna at pagpili sa brand bakunang ituturok.

Samantala, dito sa lalawigan ng Pangasinan ay puspusan ang isinasagawang pagbabakuna sa barangay ng Provincial Health Office ng Pangasinan. | ifmnews

Facebook Comments