Sa Zamboanga Del Sur, labindalawang munisipyo sa lalawigan, binigyan ng bagsak na grado ng DILG

Labindalawa sa dalawampo’t  anim na munisipyo sa lalawigan ng Zamboanga Del Sur ang binigyan ng bagsak na grado ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa isinagawang assessment at validation ukol sa clearing operation na iniutos ng pangulo.

 

Base sa inilabas na resulta ng DILG-Region 9, di nakapasa ang mga bayan ng Aurora, Dinas, Dumalinao, Dumingag, Lakewood, Lapuyan, Margosatubig, Pitogo, San Pablo, Tabina, Tigbao at Vincenso Sagun na pawang mula sa probinsya.

 

Matatandaan na nakakuha lang ng 66 percent ang Lungsod ng Pagadian uang validation ng dilg ngunit nagpapatuloy na beripikasyon pasado na ang syudad matapos makakuha ng 80 porsyento.


 

Una nang ng inihayag ng  naturang ahensya na ang Local Government Units 9 (LGU’s)nabigo ay padadalahan ng ‘show cause orders ng ahensiya at sususpindihin.

Facebook Comments