Sabaybay: NFA Rice Supply Bastante sa CamSur

Bastante na ngayon ang supply ng NFA sa mga pamilihan sa buong Vamarines sur. Ito ay ipinahayag ni NFA Camarines Sur Provincial Manager Allan Sabaybay.

Sa interview ng RMN DWNX – Naga, patuloy ngayon ang pag-transport ng NFA rice patungo sa Camarines Sur mula sa daungan ng Tabacco City sa katabing probinsya lamang ng Albay.

Ayon pa kay Sabaybay, nasa 4,000 sacks pa ng NFA rice ang nasa bodega ng NFA sa bayan ng Pili, Camarines Sur.


Nasa normal na rin umano ang presyong bentahan ng nasabing bigas na nasa 30 hanggang 32 pesos per kilo. Idinagdag pa ng provincial manager na nasusuplayan na rin ng maayos ang mga accredited rice retailers sa iba’t-ibang bahagi ng probinsiya.

Samantala, muling bumili ng nasa 500 bags na nfa rice ang pamahalaang local ng probinsiya ng Camarines Sur. Ito ay kinumpirma rin ni NFA CamSur Provincial Manager Allan Sabaybay sa kanyang pahayag sa RMN DWNX – Naga.

Ayon pa kay Sabaybay, ang nasabing bigas ay gagamitin umano ng provincial government sa mga programa nito. Ito ay dagdag pa sa una ng binili ng kapitolyo nitong mga nakaraang buwean na umaabot na sa 5,000 bags.

Magugunitang nitong mga nakaraang araw, ibinunyag ni House Majority Floor Leader Cong. Rolando Nonoy Andaya na ang kakulangan ng supply ng nfa rice sa mga palengke sa probinsiya nitong mga nakaraang buwan ay dahil umano sa sobra-sobrang mga sako ng NFA rice ang binili ng kapitolyo sa harap ng kawalan naman ng kalamidad na tumama sa Camarines Sur. Sinabi pa ni Andaya na sa halip na mapunta sa mga accredited rice retailers ang supply ng NFA rice, kinuha na ito ng provincial local government.

Facebook Comments