Sablay na pamamahagi ng SAP, binatikos ni Speaker Cayetano; pagpapanagot dito, tiniyak ng kongresista

Nakatikim ng batikos mula kay House Speaker Alan Peter Cayetano ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) bago nag-adjourn ang first regular session ng 18th Congress ngayong hapon.

Ayon kay Cayetano, inaprubahan ng Kongreso ang Bayanihan to Heal as One Act sa pag-asang ito ang makakatulong para sa implementasyon ng tulong ng gobyerno sa mga Pilipino ngayong may COVID-19.

Giit ng Speaker, batid naman niya na may mga problema sa pagpapatupad ng programa na maiintindihan naman ngunit may ilang problemang lumutang na hindi mapapalagpas ng mga mambabatas.


Tinukoy ni Cayetano ang sablay na pangako ng DSWD sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) dahil sa halip na makipag-ugnayan ang ahensya sa Kongreso at sa mga pinuno ng mga Local Government Unit (LGU) ay mas nakinig ang mga ito sa regional directors ng DSWD na kulang naman sa karanasan sa pagtugon sa ganitong magnitude o lawak ng problema na idinulot ng COVID-19.

Dagdag pa ng Speaker, titiyakin niya na may mapapanagot sa pagpapatupad ng Bayanihan Law lalo na ang SAP distribution.

Hiniling din ng kongresista ang patuloy na pagsasagawa ng pulong ng Defeat COVID-19 Committee at ng Committee on Good Government and Public Accountability upang ma-assess nang husto ang implementasyon ng Bayanihan Law.

Facebook Comments