SABLAY | Sen. De Lima binatikos ng DOTr at DPWH

Manila, Philippines – Binabatikos ngayon ng Department of Transportation (DOTr) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) si Senado Leila De Lima dahil sa maling impormasyon na inilabas kaugnay sa build build build project.

Sa inihain na Senate Resolution 927 pinasisilip nito ang 27 bilyong piso na halaga sa North Luzon Expressway—South Luzon Expressway connector road project at P171 billion piso para north-south commuter railway project kung saan mawawalan ng tirahan ang nasa 180,000 pamilya sa Metro Manila.

Ayon sa 2 departamento ng gobyerno sablay at misleading ang impormasyon ng senadora.


Anila ang malaking bahagi ng proyekto ay nasa Clark 1, PNR Clark 2, PNR Calamba at PNR Bicol. Kaya at malabong apektado dito ang nasa 38 barangay sa Metro Manila na sinasabi ni De Lima.

Dagdag pa nila ang NSCR general project ay magkakahiwalay na pinondohan ng Asian Development Bank (ADB), The Japan International Cooperation Agency (JICA) at China.

Napag-aralan na rin anila ang mga dadanan ng construction kaya at mas napabababa nila ang mga maapektuhang pamilya.

Samantala sinabi ng DOTr at ng DPWH na sa huli tayong mga Pilipino din ang makikinabang sa build build build project ng administrasyong Duterte na mag reresulta sa mas magandang pamumuhay.

Facebook Comments