Benito Soliven,Isabela- pinaghahandaang mabuti ng pamahalaang bayan ng Benito Soliven, Isabela ang kanilang kauna unahang pagdiriwang ng Sabunganay Festival( banana blossom).
Ayon kay Bb.Grace Lungan director general sa naturang pagdiriwang,napagkaisahan ng mga opisyal at mamamayan nito na dahil saging ang isa sa ipinagmamalaking produkto ng kanilang bayan kung kayat iniisip nila na gamitin ang naturang parte ng saging upang ito ang magiging simbolo ng kanilang kapistahan.
Dito rin anya ipapakita ng kanilang mamamayan ang ibat ibang uri ng pagkain na hango sa puso ng saging sa pamamagitan ng kanilang isasagawang cookfest sa darating na marso 18-19,2018 bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng kapistahan.
Umaasa naman si Bb.Lungan na tatangkilikin at magugustuhan ng kanilang mga kababayan at mga inaasahang bisita na mga dayuhan ang kanilang mga inahahandang aktibidad tulad ng fun run,barangay night,cookfest at ang pagparada ng kanilang mga ipinagmamamalaking mga produkto mula sa kanilang bayan.
Bagamat ang bayan ito ay isa sa mga maituturing na mahirap at salat sa pondo dahil nananatili parin nasa 4th class municipality ay sinisikap umano ng mga opisyal nito sa pangunguna ni Mayor Roberto Lungan na maiahon at mapaganda ang kabuhayan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagsasaayos sa mga lansangan upang mapadali ang paglabas g mga produkto ng kanilang mamamayan.