Safeguards duty sa inaangkat na bigas, ipatutupad na ng DA

Inaasahan na mailalabas na bago matapos ang buwan ng Setyembre ang resulta ng imbestigasyon ng Department of Agriculture kaugnay sa parami nang paraming suplay ng imported rice sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, magpapatupad sila ng general safeguards duty sa rice imports bilang pansamantalang solusyon kapag hindi nakontrol o sumobra ang kabuuang bilang ang inaangkat na bigas sa ibang bansa.

Ani Dar, nasa 93 percent ang produksyong bigas ng bansa para sa total national rice requirements.


7 percent lamang aniya ang may pangangailangan sa imported na bigas.

Pero, halos 2.4 million metric tons na ng imported rice ang pumasok sa Pilipinas na sobra-sobra na sa pangangailangan ng bansa.

Facebook Comments