SAFETY FIRST | Mga driver ng Grab Philippines, sasailalim sa pagsasanay

Manila, Philippines – Sasailalaim sa mga pagsasanay ang mga driver ng Grab Philippines.

Ito ay sa gitna ng kabi-kabilang batikos sa serbisyo ng Grab Philippines.

Ayon kay Grab Head Brian Cu, sa ilalim ng kanilang inilunsad na “Grab Driver Academy” magkakaroon ang mga driver ng refresher course hinggil sa maayos na pagmamaneho at kaalaman gaya ng first aid training.


Aminado naman si Cua na hindi sapat ang mahigit 30,000 pumapasadang unit ng Grab para sa 600,000 booking na kanilang natatanggap kada araw.

Sabi ni Cua, ginagawa nila ang lahat ng hakbang para makapang-hikayat din ng mga dagdag na Grab driver.

I-a-assess naman ng Grab sa susunod na linggo ang aktibidad para malaman kung naging epektibo ang kanilang plano.

Facebook Comments