SAFETY FIRST | MRT-3 Dalian trains, sumailalim sa weight testing

Manila, Philippines – Sumailalim sa weight testing ng Department of Transportation (DOTr) ang mga Light Rail Vehicles (LRV) ng Metro Rail Transit (MRT).

Ayon kay DOTr Undersecretary TJ Batan, ito ay bilang bahagi ng system audit ng mga inassemble na LRV ng Dalian locomotive and rolling stocks ng China.

Sinabi pa ni Batan, layun rin ng testing na malaman kung ligtas ito gamitin kapag sinakyan na ng mga pasahero.


Kabilang sa weight-testing process ang serye ng mga hakbang mula sa installation ng weighing equipment, calibration, pagtitimbang sa empty at fully loaded trains.

Ilalabas naman ng DOTr ang resulta ng mga test sa susunod na dalawang linggo.

Facebook Comments