Sagada Mountain Province, Naikategorya sa ‘High Risk’ Level dahil sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Ikinategorya sa moderate epidemic risk level ang Mountain Province batay sa inilabas na datos ng Department of Health Cordillera.

Base sa report, 21% ang itinaas ng COVID-19 rate sa nakalipas na dalawang (2) linggo habang 14.16 ang average daily attack rate sa loob ng dalawang linggo.

Lumalabas sa case bulletin ng DOH, nakategorya sa ‘high risk’ level ang bayan ng Sagada o 12.61 ang average daily attack rate habang critical risk naman sa bayan ng Barlig o katumbas ng 11.64 daily attack rate.


Bukod dito, naitala rin ng Bontoc ang pinakamataas na average daily attack rate na pumalo sa 54.37.

Dahil dito, nasa 220 ang aktibong kaso ng Bontoc at tatlo (3) na ang naiulat na namatay dahil pa rin sa COVID-19.

Sa ngayon, nasa kabuuang 354 ang active cases ng probinsya, anim (6) ang naitalang namatay habang 484 ang nakarekober.

Facebook Comments