Benguet, Philippines – Dahil pa din sa banta ng Covid 19 o Novel Coronavirus disease, isususpinde at kasalukuyan munang i-lolockdown ang bayan ng Sagada para sa lahat ng eco-tourism activities.
Isang Executive Order ang nilagdaan ni Sagada Mayor James Pooten, kahapon, Pebrero 13, kung saan din ay ang mga lumabag sa nasabing order ay kailangang magreport sa Mayor’s Office.
Dagdag pa ng alkalde ay hindi naman buong Sagada ang mai-lalockdown kundi ang mga sakop ng gobyerno lamang at hindi ang ilang mga pribadong establisyimento katulad ng Sunrise View Hotel at Isang Wow Sunrise Viewdeck, Paog’s Sunset Viewdeck, Sagada Pottery, Sagada Weaving at Masferre’s Photographs.
May ilan namang iminumungkahing mga alternatibong aktibidad ang advocate ng Responsible Tourism na si Tracey Santiago katulad ng pagtanaw ng magandang mga bulubundikin ng Sagada habang nagkakape sa Bana’s Coffeeshop o kaya naman ay mag food hopping mula sa sentro papunta sa magagandang tanawin ng Rice terraces bago ang Lumiang Cave at pwede din naman matuto sa paggawa ng Paso, sa Sagada Pottery at iba pang mga suwestyon na hindi gaanong makakakumpol ng mga tao o kaya naman ay isigaw ang iyong laman ng damdamin dahil ang Sagada ay isang sagradong lugar.
iDOL, sa ibang lugar muna tayo pumunta o sa bahay nalang habang may hindi pa nako-contain ang virus.