SAGOT SA TRAFFIC | DOTr at LTFRB, magdaragdag ng biyahe ng P2P bus tuwing rush hour

Manila, Philippines – Magdaragdag ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng dalawang biyahe ng point-to-point bus.

Ito ay bilang tulong sa mga pasaherong ayaw nang pumila at makipagsiksikan sa MRT.

Ang karagdagang biyahe ay ipo-poste sa rush hour ng umaga sa northbound habang sa Taft Avenue at Ayala Stations naman para sa rush hour sa gabi.


Ayon kay DOTR Usec. For Rails Tj Batan – nakipagpulong na rin sila sa iba’t ibang bus company para hingin ang tulong nitong maglaan ng mga unit para sa bus project.

Kapag naabot ang target na 60 unit ng P2P bus, nasa 3, 360 passengers ang tiyak umanong maserbisyuhan nito.
Manila, Philippines – Sinampahan na ng reklamo ng Department of Environment And Natural Resources (DENR) ang pitong trekker na itinuturong responsible sa pagkasunog ng Mt. Pulag.

Reklamong paglabag sa Presidential Decree no. 705 o Forestry Reform Code of the Philippines ang isinampa laban sa pitong trekker na mula pa sa Cebu.

Buwan ng Enero nang masunog ang anim na ektarya ng Mt. Pulag dahil sa napabayaang butane gas.

Dahil dito, pansamantala ring sinuspinde ang hiking at trekking activities sa Mt. Pulag.

Kapag napatunayan, hanggang anim na taong pagkakakulong at multang 18-milyong piso ang kakaharapin ng mga suspek.

Facebook Comments