SAGUPAAN | 12 miyembro ng BIFF, patay sa engkwentro

Maguindanao – Patay ang 12 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) habang 23 ang sugatan sa nagpapatuloy na sagupaan sa Barangay Lower Salbu Datu Saudi Ampatuan.

Ayon kay 6th Infantry Division Spokesman Captain Arvin Encinas nagpapatuloy ngayon ang sagupaan sa pagitan ng 2nd Mechanized Infantry Batallion at nasa 50 BIFF members sa ilalim ni Commander Peni, Karialan Faction sa Sitio Lapitos Barangay Lower Salbu Datu Saudi Ampatuan.

Kahapon pa aniya nagsimula ang sagupaan dahilan para mas dumami pa ang mga nasawi sa panig ng BIFF.


Isang sundalo naman ang nasawi sa panig ng tropa ng militar.

Nagpapatuloy naman ang operasyon ng militar laban sa mga miyembro ng BIFF sa lugar kaya aasahan pa ang pagdami ng mga nasasawing kalaban.

Facebook Comments