Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Sonny Angara sa PhilHealth na sagutin ang bayad sa konsultasyon sa psychiatrists at mga kakailanganing gamot.
Pahayag ito ni Angara makaraang lumabas sa pag-aaral ng World Health Organization na ang pilipinas ang may pinakamataas na kaso ng depresyon sa Southeast Asia.
Ang depresyon ay maari aniyang maging sanhi ng problema sa pag-iisip na pwedeng pag-ugatan ng sablay na nga desisyon at pananakit sa sarili hanggang sa pagpapakamatay.
Diin ni Angara, kahit ang mga mahihirap na Pilipino ay maaring mailigtas dito kung babalikatin ng philhealth ang pagpapagamot at iba pang pagsusuri ukol dito.
Sa ngayon kasi ay tanging hospitalization lamang na sanhi ng mental at behavioral disorders na hanggang P7,800 ang sakop ng PhilHealth.