Matapos ang mahabang panahon na paghihintay, sa wakas ay makukuha na ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) workers sa ARMM ang kanilang sahod.
Ang naantalang sahod para sa mga buwan ng Enero at Pebrero 2018 ay available na para sa mga manggagawa noon pang Biyernes, April 27.
Samantalang ang nalalabing sahod para sa mga buwan ng Marso at April ay –re-release naman umano ngayong linggo.
Kaugnay nito, nilinaw ng DSWD-ARMM na tanging ang pondo pa lamang para sa sahod ng 4Ps workers ang nai-download ng DSWD National Office sa kanila.
Ang pondo para sa ibang centrally-managed programs, tulad ng Supplemental Feeding Program, Sustainable Livelihood Program, Social Pension for Indigent Senior Citizens at Recovery and Reintegration Program for Trafficked Persons ay hindi pa naida-download sa DSWD-ARMM.