Inihayag ni Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez na nadagdagan ng 2,000 ang sahod ng mga Job Orders Employees sa lungsod ngayong taon.
Aniya, Mula sa ₱9,000 kada buwan noong 2022, umangat ito sa ₱12,000 noong 2024, at ngayon ay ₱14,000 na. Naisakatuparan ang karagdagang sahod ng mga Empleyado sa ipinasang Ordinance Number 2301-2024 o ang Annual Budget for 2025.
Dagdag ng alkalde, ang pagtaas ng sahod ay patunay ng pagkilala sa kanilang kasipagan at dedikasyon sa trabaho.
Marami sa mga empleyado ang nagpasalamat at nagbahagi ng kanilang kasiyahan dahil sa magandang balita sa pagpasok ng bagong taon para sa kanila.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments