Sahod ng mga manggagawa, nilamon na ng mataas ng inflation rate ayon sa IBON Foundation

Naungusan na umano ng pagsipa ng inflation rate sa bansa ang dagdag sahod na ibinigay ng mga regional wage board.

Ito ang iginiit ng economic think tank group na IBON Foundation.

Ayon sa IBON, nilamon na mataas na antas ng bilihin at serbisyo ang kakarampot na sweldo ng mga manggagawang mga Pilipino.


Sa metro manila, kahit na nadagdagan ng ₱33 arawang sahod ng mga minimum wage earners na ngayon ay ₱570 kada araw, hindi na umano maramdaman ito dahil sa taas ng pangunahing bilihin.

Bumaba pa umano ng sampung porsyento ang tunay na halaga ng minimum wage sa National Capital Region (NCR).

Sa pag-aaral pa ng ibon, kailangan ng 1,093 pesos kada araw ng isang pamilya na mayroong limang myembro para makapamuhay ng maayos.

Dapat din na isulong ng ₱750 na national minimum wage upang makagapay ang mga manggagawa.

Facebook Comments