SAHOD SA ILALIM NG TUPAD PROGRAM NATANGGAP NA NG HIGIT ISANG DAANG MANGGAGAWA NG SAN CARLOS CITY

SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Natanggap na ng 130 manggagawa sa San Carlos City ang kanilang sahod sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program ng Department of Labor and Employment Office.

Sinabi ng pamunuan DOLE Region 1, naglaan sila ng aabot sa P 442,000 na pondo para dito at pinangasiwaan naman ng money remittance provider ang pagbibigay ng sahod sa mga benepisyaryong manggagawa.

Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P 3,400 bilang bayad sa kanilang pagtatrabaho mula April 16-25, 2021. Kabilang sa mga trabaho ng mga benepisyaryong manggagawa ay ang paglilinis ng mga kakalsadahan maging ang pagtatanim at pagputol ng mga puno sa kani kanilang barangay.


Bago pa nagsimula ang mga benepisyaryo ay nagkaroon muna ng basic orientation tungkol sa programa at pagpapatupad ng health protocols sa gitna parin ng banta ng COVID19.

Facebook Comments