SAKO-SAKONG BASURA, NAKOLEKTA SA COASTAL CLEAN-UP DRIVE SA INFANTA BILANG BAHAGI NG COMMUNITY RELATIONS WEEK

Sako-sakong basura ang nakolekta sa isinagawang coastal clean-up drive sa Barangay Cato, Infanta bilang bahagi ng pagdiriwang ng Community Relations Week at kaugnay ng paggunita ng Fire Prevention Month 2026.

Pinangunahan ng BFP Infanta Station ang aktibidad kung saan nakiisa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Infanta at iba pang kalahok mula sa komunidad.

Layunin ng naturang gawain na itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan, panatilihing malinis ang kapaligiran, at palakasin ang sama-samang pagkilos para sa mas ligtas at maayos na pamayanan.

Ayon sa mga kalahok na ahensya, patuloy ang kanilang pakikiisa sa mga programang naglalayong palakasin ang ugnayan ng komunidad at mga ahensya ng pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments