Nasabat ng otoridad ang 35 sakong shellfish na galing sa bayan ng bolinao at ibebenta sana sa magsaysay fish market sa lungsod ng Dagupan.
Ayon kay Rolly Dulay, ang Agricultural Technologist ng City Agriculture Office (CAO), at Jessie Doria, ang bantay ilog chief, kinumpiska nila ang mga shellfish dahil sa babala Ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources BFAR Region 1 na tinamaan ng red tide ang karagatan ng Bolinao sa Western Pangasinan.
Sa isang advisory noong april 7, 2022, ipinagbawal ng BFAR ang “eating, harvesting, transporting, and marketing” ng lahat ng uri ng shellfish na galing sa coastal waters ng Bolinao dahil sa naitalang mataas na red tide toxin level doon na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga makakain ng mga ito.
Ang mga shellfsh na nakumpiska ay binubuo ng 26 na sako ng tahong, tatlong sako ng kalwit, at anim na sakong halaan na agad namang itinapon.
Patuloy naman ang isasagawang inspeksyon ng otoridad sa mga palengke ng lungsod upang maproteksyunan ang publiko laban sa red tide toxin. | ifmnews