DALAGA, ARESTADO SA PAGNANAKAW SA SUPERMARKET

23
Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang babae matapos mabisto sa ginawang pagnanakaw ng good items sa isang supermarket sa Lungsod ng Cauayan.

Kinilala ang suspek na si Christine Delos, 22 anyos, walang asawa, at residente ng brgy. San Fermin, Cauayan City.

Nahuli ang suspek sa pamamagitan ng kuha ng CCTV Camera sa loob ng establisyimento na kung saan ay hindi binayaran ng suspek ang mga kinuhang items.

Nakuha sa loob ng bag ng suspek ang ilang piraso ng pabango, tsokolate, powdered juice, chocolate milk at kandila.

Tinatayang aabot sa mahigit P1,000 ang halaga ng mga ninanakaw na paninda ng suspek.

Nasa kustodiya ng Cauayan City Police Station ang suspek na nahaharap sa kasong pagnanakaw.

Facebook Comments