Sakripisyo ng mga bayani sa pagtataguyod ng kalayaan at kapayapaan, kinilala ng AFP ngayong Araw ng Kalayaan

Ipinagdiwang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ika-127 taon ng Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng pagpupugay sa diwa ng kagitingan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., na ang katapangan ng mga sundalo ay nakaugat sa pamana ng ating mga bayani.

Ani Brawner, ang kagitingan ang pundasyon ng bawat misyon na tunay na pamana ng ating mga bayani.

Ngayong taon, dala ng temang “Kalayaan, Kinabukasan, at Kasaysayan,” muling iginiit ni Brawner na ang kalayaan ay hindi simpleng regalo bagkus ito’y bunga ng sakripisyo at kabayanihan.

Giit pa nito, hindi dapat malimutan ang kabayanihan ng nakaraan dahil ito ay nagsisilbing lakas ng ating pagkakaisa at paninindigan.

Facebook Comments