
Kinilala ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka at mangingisda bilang mga tunay na bayani ngayong pagdiriwang ng ika-127 Araw ng Kalayaan.
Sa kanyang Independence Day message, nangako si Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr., na patuloy na isusulong ng pamahalaan ang mga hakbang upang mapalaya mula sa kahirapan at abuso ang mga magsasaka at mangingisda.
Sinabi pa ni Laurel na panahon para umangat din ang mga nasa sektor ng agrikultura.
Ani Laurel, panahon na upang makapagpatupad na reporma at modernisasyon sa sektor ng agrikultura.
Kasama rito ang mechanization, pag-adopt sa modernong farming at fishing technologies, at pagbibigay access sa climate resilient tools at digital platforms.
Dagdag ni Laurel, mayroon ding tulong sa logistics kasama na ang farm to market connectivity at post-harvest facilities.