SAKUNA | Sunog sa Yakult Building, nasa 3rd alarm pa rin

Manila Philippines – Hanggang ngayon ay nasa 3rd alarm pa rin ang nangyayaring sunog sa Yakult Building sa Agoncillo Street, Malate, Maynila.
Matatandaang nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng gusali, bandang alas singko kaninang hapon.
Bukod sa pagsusuot ng breathing aparatus ay nagsagawa rin ang mga bumbero ng ventilation o pagbuga ng tubig papalabas ng gusali.
Nabatid na imbakan ng mga papeles ang 3rd floor ng building.

Facebook Comments