Sales Agent na Nambugbog ng Karelasyon sa Cauayan City, Bagsak sa Kulungan!

Cauayan City, Isabela – Bagsak sa kulungan kagabi ang isang sales agent matapos ireklamo na nambugbog ng karelasyon sa Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Esem Galiza, ang Police Community Relation Officer ng PNP Cauayan City, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 o Violation Against Women and Children ang naaresto na si Miguel Samonte, dalawampu’t isang taong gulang, nagtratrabaho sa Ilagan City bilang sales agent, residente ng Namnama, Cabatuan, Isabela ngunit tubong Metro Manila.

Ayon pa kay Police Senior Inspector Galiza, ibinunton umano ng suspek ang galit sa karelayon na si Maria Katrina Talia dahil sa pagkaka-decline ng salary loan ng suspek.


Aniya tumawag umano ang landlady ng boarding house ng dalawa na si Jenny dela Cruz dahil sa malakas na boses ng suspek at pananakit nito.

Sa reklamo ng biktima ay pinagsasampal, sinuntok at iniuntog sa sahig ang ang kanyang ulo at tinamaan ng ibinatong mug ang paa naman ng landlady matapos na nais patigilin ang suspek.

Ang biktima ay dinala sa isang pagamutan para sa karampatang lunas at nagdesisyon na itutuloy ang kaso laban sa karesyon kung saan ay inihahanda narin ng PNP Cauayan City ang kaso para kay Miguel Samonte.

Facebook Comments