Sales Collection ng ‘KADIWA NI ANI AT KITA’ sa Cagayan Valley, Higit P25 milyon

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa higit P25 milyon ang naitalang sales collection ng Cagayan Valley sa operasyon ng Kadiwa ni Ani at Kita sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) region 2 na nagsimula noong Marso 24, 2020.

Ayon kay Yvonne Gutierrez, Manager ng Aurora Citrus Farmer’s Cooperative, labis ang pasasalamat ng kanilang grupo dahil sa pamamagitan ng KADIWA ay nakapagbenta sila sa mga lugar sa rehiyon at sa Metro Manila kung saan nagkaroon sila ng sapat na kita ang kanilang kooperatiba.

Matatandaang inilunsad noong kasagsagan ng unang linggo ng pandemya sa bansa ang Kadiwa ni Ani at Kita upang matulungan ang mga magsasaka at asosasyon sa pagbebenta ng kanilang produkto sa kabila ng pandemya.


Layunin din nito na magkaroon pa rin ng suplay ng pagkain para sa publiko sa magandang presyo.

Ayon naman kay Ma. Rosario Paccarangan, Chief ng Agribusiness and Marketing Assistance Division, umaabot na sa 206,829 MT ang volume traded; 51,564 household served kung saan 217 barangay at 57 municipalities covered.

Simula noong Hulyo 29, 2020 ay nagtitinda na rin ng pesticide safe na gulay ang KADIWA ni Ani at Kita na pinangasiwaan ng Department of Agriculture Region 02 Multi-Purpose Cooperative sa Tuguegarao City.

Ang mga tinitindang mga produkto ay galing sa mga magsasaka sa Solana, Cagayan na tinutulungan ng Department of Agriculture – Regional Field Office No. 02 (DA-RFO 02) sa implementasyon ng Food Safety Act.

Facebook Comments