
Itinampok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang salitang kapwa bilang simbolo ng pagkakaisa at matibay na samahan ng mga bansa sa ASEAN.
Sa kaniyang mensahe sa gala dinner kasama ang ASEAN leaders, dialogue partners at iba pang panauhin, ipinaliwanag ng Pangulo na walang direktang katumbas sa Ingles ang salitang kapwa.
Tumutukoy aniya ito sa pakikisama, pakikipag-ugnayan at pagkilala sa isa’t isa.
Layunin din ng pagtitipon na mas mapalapit ang mga lider sa pamamagitan ng simpleng kuwentuhan at pakikisalamuha.
Binigyang-diin din ni Marcos na sa kabila ng mga hamong pinagdaanan ng ASEAN, nananatiling matatag ang samahan nito at patuloy pang lumalawak ang ugnayan sa iba pang rehiyon.
Sinabi ng pangulo na sumasalamin ang pagtitipon sa pagkakaisa para sa kapayapaan, kaunlaran at katatagan ng rehiyon.










