
Tatalima ang Office of the Ombudsman sa utos ng Kamara na ibigay sa kanila ang kopya ng Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Vice President Sara Duterte.
Ito ay kasunod ng inilabas na subpoena ng House of Representatives bilang bahagi ng kanilang pagdinig sa impeachment laban kay VP Sara.
Ayon kay Remulla, ihahatid ito ng opisyal na may kustodiya ng SALN ng pangalawang pangulo.
Samantala, pinuna naman ng Ombudsman ang hindi umano pagtalima ng Kamara sa kanilang subpoena kaugnay naman sa SALN ng isang empleyado nila.
Sa susunod aniyang gawin ito ng Kongreso ay ipapa-cite in contempt niya mismo ang House Secretary General kung patuloy silang babalewalain.
Ibinabala pa ni Remulla na kung hindi ito maibigay ngayong linggo ay sususpendihin niya si House Secretary General Cheloy Garafil.
Bukod sa isang empleyado ng Kamara, inanunsiyo rin ng Ombudsman na hinihingi rin nila ngayon ang kopya ng SALN sa loob ng 10 taon ng lahat ng mga kasalukuyang kongresista.










