Salpukan ng Dalawang Sasakyan, Isa Sugatan!

*Sta. Maria, Isabela-* Sugatan ang isang lalaki matapos banggain ang kanyang minamanehong sasakyan sa kahabaan ng Pambansang lansangan sa Brgy. Naganacan, Sta. Maria, Isabela dakong alas sais kaninang umaga, Hulyo 26, 2018.

Kinilala ang sugatan at drayber ng van na si Nazaro Apostol, nasa tamang edad at residente ng Brgy. Malibanag, Peña Blanca, Cagayan habang ang drayber naman ng isang sasakyan na bumangga kay Apostol ay kinilalang si Benjamin Rivera ng Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Sta. Maria, magkasalungat na binabaybay nina Apostol at Rivera ang nasabing lansangan nang biglang mawalan ng control sa pagmamaneho si Rivera kaya’t natumbok nito ang kasalubong na sasakyan ni Apostol.


Isinugod sa pagamutan si Apostol matapos magtamo ng sugat sa katawan habang maswerte namang hindi nasugatan si Rivera.

Dinala na sa himpilan ng pulisya si Rivera maging ang dalawang sasakyan para sa karagdagang imbestigasyon.

Facebook Comments