Salpukan ng Motorsiklo at Traysikel sa San Mariano, Isabela, Isa Sugatan!

San Mariano, Isabela- Kasalukuyan ng nagpapagaling sa Hospital ang isang lalaki matapos magtamo ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa naganap na salpukan sa kahabaan ng National Highway Brgy. Minanga San Mariano Isabela.

Kinilala ang sugatang drayber ng motorsiklo na si Johny Tagapan Telan, 42 anyos, residente ng Brgy. Disulap San Mariano Isabela at kinilala naman ang drayber ng motorsiklong may sidecar na si Erasmo Dayag, 44 anyos, may asawa at residente naman ng Alibadabad, San Mariano, Isabela.

Sa impormasyong ipinarating sa RMN Cauayan, bumabaybay umano ang dalawang sasakyan sa kahabaan ng naturang lansangan at papunta ng palengke si Dayag ng biglang tinahak nito ang kabilang linya ng kalsada at hindi napansin ang kasalubong na motorsiklo na nagresulta ng salpukan sa naturang lansangan.


Dahil dito ay nagtamo naman ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang drayber ng motorsiklo kaya’t agad na isinugod sa pagamutan para sa kaukulang lunas.

Facebook Comments