Sumailalim sa masusing inspeksyon ang Shared Service Facility (SSF) para sa pagproseso ng asin sa Barangay Bobonot, Dasol upang matiyak na ang lahat ng kagamitan ay tumutugon sa itinakdang operational standards at safety requirements.
Isinasagawa ang visual at mechanical inspection bilang bahagi ng validation process ng pasilidad.
Kaugnay nito, limang yunit ng kagamitan ang nakatakdang dalhin sa salt field para sa aktuwal na testing at commissioning upang masuri ang kahandaan ng mga ito sa aktuwal na operasyon.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan, mahalagang yugto ang testing at commissioning upang matiyak na maayos at ligtas ang paggamit ng mga kagamitan bago tuluyang isailalim sa regular na operasyon.
Kapag ganap nang operational, inaasahang makatutulong ang SSF sa pagpapalakas ng lokal na industriya ng asin sa Dasol sa pamamagitan ng pagpapataas ng produktibidad, pagpapabuti ng kalidad ng produkto, at mas malaking suporta sa mga lokal na salt farmer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









