Manila Philippines – Apatnaput walong mga truck ng basura ang nahakot matapos linisin ang Maynila pagkatapos ng pagdiriwang ng Bagong Taon.
Tatlo sa mga truck ito ang napuno ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ginawa nilang paglilinis sa Rizal Park kung saan nasa 90,000 katao ang nagdiwang doon ng Bagong Taon.
Humingi na din ng tulong ang Manila City Hall Department of public services mula sa National Parks Development Committee para sa paglilinis ng Rizal Park dahil sa dami ng nagkalat na basura.
Aabot sa 45 mga truck ng basura ang kanilang nahakot mula Divisoria at iba pang mga pampublikong palengke sa Maynila.
Ikinadismaya naman ng Ecowaste Coalition ang dami ng mga basurang nakolekta sa Lungsod Ng Maynila kasunod ng pagdiriwang ng bagong taon.