SALVAGE/ Hubot hubad na bangkay ng lalaki natagpuan sa basurahan

Hubot hubad, nakagapos ang mga kamay at paa, tadtad ng tama ng saksak, ginilitan pa ang leeg ng isang bangkay ng lalaki na natagpuan malapit sa basurahan, di lamang kalayuan sa “OVER VIEW” sa Brgy. Labungan Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Sinasabing nailibing na sa mababaw na hukay ngunit nakalabas ang bahagi ng kamay ng mamataan ang bangkay pasado alas onse kahapon ng umaga ayon pa kay DOS PNP PCR Chief Spo03 Eugene Ross Echavez.

Malaki ang paniniwala ng PNP na maaring dun lamang inilibing ang bangkay. Bukod sa may taas na 5’6 hanggang 5’8 at 30-35 ang edad , wala ng anumang pagkakakilanlan ang biktima. Kasalukuyang nasa Villa Funeral Homes ang bangkay.


Ito na ang ikalawang insidente na may natagpuang cadaver sa AOR ng DOS, noong nakaraang linggo isa ring bangkay ang tagapuan sa Taviran River. Nakagapos rin ang mga ng biktima liban pa sa may tama ng bala ng di natukoy na uri ng baril.

Facebook Comments