PBA | San Miguel Beermen, nasungkit ang unang panalo kontra Phoenix Fuel Masters;106-94

Manila, Philippines – Nakuha na din sa wakas ng San Miguel Beermen ang kanilang unang panalo laban sa Phoenix Fuel Masters sa nagpapatuloy na 2018 PBA Commissioners Cup.

Tinalo ng Beermen ang Phoenix sa score na 106-94 kung saan nanguna sa panalo ng San Miguel si Renaldo Balkman na may 35-points at 17-rebounds.

Nag-ambag din ng 18-points si Christian Standhardinger habang tig-13-points naman sina Alex Cabagnot at Arwind Santos.


Ikinatuwa ni SMB Coach Leo Austria ang nasabing panalo at kanila naman paghahandaan ang susunod na laban kontra sa Barangay Ginebra sa darating na Linggo, alas-6:45 ng gabi sa Mall of Asia Arena (MOA).

Facebook Comments