Samahan ng mga magsasaka, may hamon kay Agriculture Secretary Manny Piñol

Manila, Philippines – Hinamon ng samahan ng mga magsasaka si Agriculture Secretary Manny Piñol na ilahad sa publiko ang buong katutuhanan kung bakit biglang nagbago ang desisyon sa usapin ng pag-aangkat ng bigas sa ibang bansa.

Ayon kay Pambansang Katipunan ng Makabayang Magbubukid Spokesperson Jun Pascua kung walang inililihim si Piñol sa taongbayan dapat ibulgar na nito kung bakit nagbago ang kanyang isip at pinahihintulutan ng mag-import ng bigas sa ibang bansa na una na nitong mariing tinutulan.

Paliwanag ng grupo lubhang nakasisira si Piñol sa magandang imahe ni pangulong Duterte sa publiko tungkol sa kampanya nito na maging Transparent at walang kurapsyon sa lahat ng mga transaksyon sa gobyerno.


Giit ni Pascua dapat mayroong delikadeza ang kalihim dahil batid ng lahat na tumututol si Piñol sa pag-aangkat ng bigas at ipinagmayabang pa noon na mayroon sapat na bigas ang NFA pero ang ipinagtataka ng samahan ng magsasaka kung bakit hindi nito maipaliwanag sa publiko kung bakit nag-iimport pa ang kalihim ng bigas sa ibang bansa.

Facebook Comments