Samahang Basketbol ng Pilipinas, kukuha ng mga collegiate players na sasabak sa second window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifier

Plano ngayon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na kumuha ng mga collegiate players na kanilang isasabak sa second window ng 2021 Federation International Basketball Association (FIBA) Asia Cup Qualifiers sa susunod na buwan.

Ayon kay SBP Program Director Tab Baldwin, wala na silang ibang pagpipilian pa dahil hindi sila maaaring kumuha ng mga pro-players sa Philippine Basketball Association (PBA) na kasalukuyang nasa clark bubble.

Bagama’t hindi pa inaanunsiyo kung sino-sino ang mga kukunin, umaasa si Baldwin na ang mga isasali sa line-up ng Gilas Pilipinas ay papayagan ng kani-kanilang magulang at ng pamunuan ng kanilang eskwelahan kung saan kinakailangan nilang sundin ang inilabas na guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Bukod dito, isa naman sa mga pinagpipilian na maging head coach ng Gilas Pilipinas ay si Coach Jong Uichico na kasalukuyang head ng SBP Coaches Academy.

Facebook Comments