Legal na ang same-sex marriage sa Taiwan matapos aprubahan ng kanilang kongreso ngayong hapon.
Ito ang kauna-unahang bansa sa Asia na pumayag sa ganitong panukala.
Agad naglabas ng pahayag si Presidente Tsai Ing-wen sa kanyang Twitter account para ianunsyo ang magandang balita.
“On May 17th, 2019 in #Taiwan, #LoveWon. We took a big step towards true equality, and made Taiwan a better country. 🏳️🌈” pahayag ni Pangulong Tsai.
On May 17th, 2019 in #Taiwan, #LoveWon. We took a big step towards true equality, and made Taiwan a better country. 🏳️🌈
— 蔡英文 Tsai Ing-wen (@iingwen) May 17, 2019
Taong 2017 idineklara ng Taiwan Supreme Court na labag sa konstitusyon na hindi payagan magpakasal ang same-sex couples. Inutusan nila ang gobyerno na ayusin agad ang panukalang nakabinbin.
Kahit malakas ang ulan, nagtipon-tipon pa din sa labas ng parliament building ang mga supporters at advocates ng same-sex marriage. Napaiyak sa tuwa ang mga tao dahil pumanig ang kongreso sa kanilang pinaglalaban.