SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Nanguna ang lungsod ng San Carlos sa may pinakamaraming bilang ng Total Vaccine Doses Administered sa Pangasinan na pumalo na sa 210,000 doses simula ng mag umpisa ang vaccination roll out noong Marso ng nakaraang taon.
Ang lungsod ay may target na populasyon upang bakunahan na 155,505 mula sa kabuuang populasyon nito na 201,955 at kaugnay nito ay nasa 106,396 o 68.42% na ang fully-vaccinated.
Naging posible naman umano ang ganitong bilis ng bakunahan dahil sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng mga mamamayan nito at sa pagkakaroon ng maayos na sistema sa pagbabakuna.
Samantala, hinihikayat parin ang natitira pang 38,613 na indibidwal na magpabakuna upang makaiwas sa malalang impeksyon ng COVID-19.
Tuluy-tuloy din naman ang pagbabakuna hangga’t patuloy din ang pagdating ng COVID 19 vaccines mula sa national government. | ifmnews