San Juan City Government, naglabas na ng kautusan para hikayatin ang mga manggagawa na magpabakuna laban sa COVID-19

Naglabas na ng Executive Order si San Juan City Mayor Francisco Zamora para sa lahat ng manggagawa sa lungsod na magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Mayor Zamora, papayagan niya ang isang establisyemento na mag-operate sa lungsod ngayong General Community Quarantine (GCQ) pero kailangang
pabakunahan ang lahat ng kanilang mga empleyado, nakatira man sa lungsod o hindi.

Aniya dapat magpalista na o mag register na sila sa ilalim ng A4 Prioritization List kung saan makikita ang link nito sa official Facebook account ng pamahalaang lungsod ng San Juan.


Kailangan lang aniya magdala ang magpapabakuna ng Certificate of employment o company-issued identification card o occupational permit mula sa Business Permits ang licensing Office (BPLO) ng San Juan o iba pang katulad ng permit to work sa San Juan.

Ang mga empleyado naman na nasa informal sector, bago sila mabakunahan kailangang magpresenta ng certificate of employment o patunay na sila ang nagta-trabaho sa naturang sektor at proof of residency kung sila ay nakatira sa lungsod.

Facebook Comments