San Juan City, ililibre na ang cremation ng mga residente nilang namatay sa COVID-19

Inanunsyo ni San Juan City Mayor Francis Zamora na sasagutin na ng San Juan City Government ang cremation ng labi ng kanilang mga residenteng namatay dahil sa COVID-19.

Ayon sa Alkalde, free and urn package na aabot sa halagang 30,000 pesos ang offer ng San Juan City Government sa labi ng mga namatay dahil sa COVID-19 na kanilang residente.

Kailangan lamang aniyang ihanda ng pamilya nang nasawing COVID-19 patients ang letter of request para sa City Government, dalawang original copies ng Barangyay Indigency, photocopy of death cerfiticate, photocopy of funeral contract, photocopy ng valid ID ng namatay na COVID-19 patient at photocopy ng valid ID ng kamag-anak ng namatay.


Tumawag sa kanilang mga hotlines na 0956-266-5726 at 0908- 659-7685 kung nais mag avail o di kaya makipag-ugnayan sa tanggapan ng alkalde ang pamilya ng namatay na COVID-19 patient.

Facebook Comments