Magsasagawa ng medical at dental mission na may libreng konsultasyon, libreng gamot at libreng bunot ng ngipin ang San Juan City Govt.
Gagawin ito sa Sept 1, 2019 araw ng Linggo alas 8 hanggang alas dose ng tanghali sa San Juan Gym.
Kaya panawagan ni San Juan Mayor Francis Zamora sa mga San Juanenos maaring kumuha ng tickets para dito sa atrium ng San Juan City Hall simula ngayong araw hanggang bukas, August 29, o mismong sa San Juan Gym sa araw ng medical at dental mission sa September 1.
Sinabi ni Mayor Zamora mayroong 1,500 slots available on a first come first serve basis.
Partner ng San Juan City Govt sa gagawing medical at dental mission ay ang Chinese General Hospital and Medical Center.
Facebook Comments