San Juan City Mayor Zamora, hinimok ang mga residente ng lungsod na makiisa sa pagpapababa ng active cases ng COVID-19

Hinikayat ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang mga residente nito na tulungan sila sa pagpapababa ng bilang ng active cases ng COVID-19 sa lungsod.

Aniya, isa sa mga paraan para makatulong ang mga residente sa kanilang mithiing makamit ang zero cases active cases ay ang ibayong pag-iingat tuwing lalabas ng bahay.

Sabayan din aniya ng mahigpit na pagsunod sa mga health protocol na ipinatutupad ng local at national government.


Ito’y tulad aniya ng pagsuot nang tama ng face mask at face shield, pagsunod sa social distancing at mag-disinfect ng gamit ang 70% alcohol o hand sanitizer.

Mas mainam aniya kung magre-register sila sa sanjuan.staysafe.ph para sa mas maayos na contact tracing ng kanilang City Heath Office.

Hangarin ng lokal na pamahaalan ng San Juan City ang zero active cases ng COVID-19 sa Disyembre.

Facebook Comments