San Juan City, walang naitalang COVID-19 death case sa loob ng 24 araw

Dalawampu’t apat na araw nang walang nasasawing pasyente ng COVID-19 sa lungsod ng San Juan.

Sa tala ng San Juan City Health Department, nananatili sa 45 ang bilang ng nasawi sa lungsod dahil sa virus.

Umabot naman na ng 335 ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng gumaling na sa sakit habang bumaba na sa 22 ang bilang ng mga active cases ng COVID-19 sa lungsod.


Ang Barangay Greenhills pa rin ang epicenter ng COVID-19 outbreak sa lungsod kung saan meron itong 48 kaso.

Samantala, tatlong barangay pa sa San Juan ang may pinakamaraming infected ng virus kabilang ang Barangay Corazon de Jesus,33; West Crame, 30; at Sta. Lucia na mayroong 20 positive cases.

Facebook Comments