Taguig City, mayroong 21 bagong kaso ng COVID-19

57

Muling nakapagtala ang lungsod ng Taguig ng 21 na panibagong kaso ng nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).


Batay sa tala ng local health department ng lungsod, ang mga bagong pasyente ng COVID-19 ay nagmula sa Calzada, Fort Bonifacio at South Daang Hari.

Dahil dito, tumaas naman ang kabuuang bilang ng confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod kung kaya’t umabot na ito sa 787.

Mula sa nasabing bilang, 21 na rito ang nasawi at 142 naman ang mga gumaling na sa sakit na dulot ng virus.

Simula January 27, 2020 hanggang ngayong umaga, June 28, 2020, nasa 3,753 na ang kabuuang bilang ng mga suspected COVID-19 cases sa lungsod.

Facebook Comments