Cauayan City, Isabela- Iidneklara na ng PDEA Region 02 bilang Drug Cleared Municipality ang bayan ng San Manuel sa Lalawigan ng Isabela.
Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor King Dy ng San Manuel, malaki ang kanyang pasasalamat at ipinagmalaki nito ang pagkakalinis sa droga ng kanyang pinamumunuang bayan.
Aniya, dumaan sa masusing pagsusuri at mahabang proseso ang sakop nitong 19 na barangay kung saan ay 15 dito ang apektado ng droga habang 4 naman ang hindi apektado sa usapin ng droga.
Ayon kay P/Lt.Resty Derupe, OIC ng PNP San Manuel ay nagtapos na sa Community Based Rehabilitation Wellnes Program o CBRWP ang mahigit 200 na mga drug surrenderee o tokhang responder’s sa kanilang nasasakupan.
Ilan naman sa mga drug surenderee ay kasalukuyang sumasailalim sa sports olympic at pagsasanay upang maging kasapi ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council o MDRRMC.